http://michaelxiaochua.multiply.com/journal/item/146Iba pang mga isinalin ni ZAS:
Impossible Dream--
http://bagongkasaysayan.multiply.com/journal/item/13Desiderata--
http://bagongkasaysayan.multiply.com/journal/item/14SONETO XLV
Pablo Neruda
Huwag kang magpapakalayo, kahit isang araw, dahil--
dahil-- di ko alam kung paano sasabihin: matagal ang isang araw
at maghihintay ako sa 'yo -- katulad ng isang walang taong istasyon ng tren
habang sa ibang lugar nakaparada ang mga tren -- at matutulog
Huwag mo akong iiwan, kahit isang oras, dahil
kung gayon ay magkakasama-sama ang maliliit na patak ng dalamhati;
ang usok na paikut-ikot na naghahanap ng tahanan ay mapapadako
sa aking loobin at sasakal sa naliligaw kong puso.
Oo, silweta mo sana'y huwag malulusaw kailanman sa dalampasigan;
huwag sanang papagaypay kailanman ang mga
pilikmata mo sa kawalan ng kalayuan.
Huwag mo akong iiwan nang kahit isang saglit, pinakamamahal,
dahil sa sandaling iyon talaga kang mapapalayo
kaya natataranta akong maglalagalag sa buong daigdig at magtatanong,
Babalik ka pa ba? Naghihingalo mo ba akong iiwanan dito?
Salin ni Prop. Dr. Zeus A. Salazar para kay Bb. Ivana Adrienne Noelle Doria Guevara, ika-16 ng Marso 2008, “para magbalik-loob sa wika ng Bayan.” Liban kay Ivana, iniaalay G. Michael Charleston Briones Chua ang sonetong ito sa isa pa niyang pag-ibig—ang Unibersidad ng Pilipinas.
