Sayt ni A.N.B. ZAS

Mga Kaisipan

Masusulyapan ang pinaghanguan sa:  http://bagongkasaysayan.multiply.com/journal/item/54

Sulyapan ang paunang salita ng bagong aklat ng UP LIKAS na isinulat ni Patricio Abinales:http://bagongkasaysayan.multiply.com/journal/item/43


Sulyapan ang mga nilalaman ng bagong aklat:

http://michaelxiaochua.multiply.com/journal/item/128

Sulyapan ang sampol na artikulo ni Michael Charleston "Xiao" B. Chua:
http://michaelxiaochua.multiply.com/journal/item/129


Si Prop. Atoy Navarro ukol sa bagong aklat:

http://atoynavarro.multiply.com/journal/item/5


Tugon ni Dr. Zeus A. Salazar sa

Paunang Salita ni Dr. Patricio Abinales

sa Aklat na Kaalaman at Pamamaraan

sa Pagtuturo ng Kasaysayan

Mahal na Atoy, Salamat sa pagkapadala sa akin ng "Paunang Salita" ni Jojo. Nakatutuwa ang kanyang pagtingin (at pang-unawa rin) sa mga bagay, gayundin sa kasaysayan. Sa pangkalahatan, tama ang kanyang pagkalahad sa aking aktibidad hanggang sa aking pagkakulong noong Martial Law (Disyembre 1972). Hindi ko maalaala na nakulong si Jojo noon, di tulad ni Temy Rivera, katrabaho niya ngayon sa Hapon, na napiit nang singtagal ng kung sana siya'y nagPh.D. (limang taon). Gayumpaman, wala pa siya sa U.P. nang ako'y umuwi rito noong 1968, kung kailan inumpisahan ko kaagad na magturo ng Kasaysayan ng Makabagong Europa SA PILIPINO, bagamat di ko pa talaga gaanong gagap noon ang wikang ito. Tulad ng alam mo, Bikolano ako ... kahimat, di tulad ni Jojo, wala akong naramdaman noong "imperyalismo" ng Maynila. Alam ko na noon pa man na, tulad ng pinatutunayan nng Ilonggong si Vic Villan ngayon sa kanyang disertasyon sa wikang Filipino, ang katotohanang mga puwersang Bisaya ang siyang nagkolonisa sa Maynila kasama ang mga Kastila sa pamumuno nina Goiti (at Legazpi). Karamihan sa mga conquistadores na Bisaya ay nanatili sa Maynila at naging panginoon ng mga Tagalog at Kapampangan na nagapi sa labanan ng Bangkusay. Ngunit dahil kakaunti lamang sila at dahil din sa napakalapit ng mga wikang Bisaya sa Tagalog [lahat, kasama ang Bikol, Kapampangan, Tausug, Sulod at iba't ibang wikang "Agta" o "Aeta", ay bumubuo ng "central Philippine languages" na sinasalita ng halos 70% ng mga Pilipino] napilitan silang magTagalog — ibig sabihin, naging “Tagalog.” Simula ito ng paglaganap ng Tagalog noong "panahong kolonyal".


Sa katunayan, ang Maynila ay naging lunsaran sa pangingibayong-dagat ng mga Pilipino mula sa iba't ibang bahagi ng kapuluan at, mangyari pa, natuto sila ng Tagalog bago makipagsapalaran sa labas. Samakatuwid, ang mga migrante noong "panahong Kastila" ay "naging Tagalog" (i.e., natutong magsalita ng Tagalog) bago nila lisanin ang Maynila. Tagalog ang naging wika ng mga Pilipinong nasangkot sa, o gumamit ng, Kalakalang Galyon. Isa o dalawang beses lang bawat taon nagbibiyahe ang galyon sa buong panahon ng Kalakalang Galyon. Kahit na si Pedro Calungsod ay "nagdaan" sa Katagalugan bago niya samahan si Padre Sanvictores patungong Marianas. Ang mga katagang "Pilipino" na hiram sa Chamorro karamihan ay Tagalog habang ang mga Pinoy roon ay halos lahat ay galing sa Kabisayaan, sa simpleng dahilan na nakapaloob ang Marianas sa diosesis ng Cebu. Noong panahon ng paghahanda sa Himagsikan 1896 mga Ilonggong galing sa pagtratrabo sa Australya ang nagbigay ng pera kina Bonifacio upang makabili ng imprenta ang Katipunan. Mangyari pa, ang wika nila ay Tagalog.

Sa kasalukuyan, ang karamihan sa mga nakatira sa Kamaynilaan ay hindi "Tagalog" kundi mga Pilipino mula sa iba't ibang dako ng Pilipinas, higit sa lahat sa Kabisayaan at Mindanaw. Ang karamihan din sa mga nakahawak ng kapangyarihan sa kasalukuyang estadong Inglesero ay hindi mula o ipinanganak sa Maynila (cf. Arsenio Lacson, Arzobispo Cardinal Sin, ang kinatawan ng Paranaque na si Roilo [i.e., Romblon, Iloilo] Golez, etc., etc.). Kung may "imperyalismo" man na nagmumulang Maynila, "imperyalismo" ito ng mga Pilipino mula sa mataas na uri (burgis o Inglesero). Sa katunayan, ang ideya ng "imperyalismo ng Maynila" ay nakapaloob sa isang ideolohiyang mapangwasak-sa-bansa, mula man ito sa mga "imperyalista"/ "globalistang" kapangyarihan o Pilipinong kaalyado/kapanalig ng (isa sa) mga ito, sa pulitika o ideolohiya man o sa mga hangaring pang-akademya o sa kombinasyon ng dalawa. Sa katunayan, ang mga pulitiko na "sumasakop" sa buong Pilipinas sa karamihan ay di naman Tagalog; napakamarami ay Bisaya, nakatira lang sila sa Maynila, bukod sa may bahay o mansyon sa kani-kanilang pinagmulang lugar at "seat of power" AT SAAN MAN SA ESTADOS UNIDOS (O SA IBANG DAKO NG DAIGDIG NA ANGLO-AMERIKANO O KAALYADO) KUNG SAAN PINAGHAHANDAAN NILANG MAGRETIRO PAGKATAPOS.


Ang pagtuturo sa Pilipino (at ang pagpapalaganap ng wikang Pambansa) ay napagkasunduan na namin noon pang 1964 ni Dr. Ernesto Constantino, isang Iloko, nang dinalaw niya ako sa Paris bago siya dumeretso sa Pinas mula sa kanyang pag-aaral sa Estados Unidos. Napakaimportante sa akin ang piryod 1968-1972 dahil nga sinimulan kong isagawa noon ang aming kasunduan ni Ernie. Noong panahon ding iyon pinasimulan ko ang pagpapasalin ng mga teksbuk sa Kasaysayan ng Europa: 1) Kalaunan o Makalumang Europa (hanggang 500 M.K.); 2) Kalagitnaang Panahon (500-1500); 3) Makabagong Europa (1500-Ika-20ng Dantaon); 4) Kasaysayang Diplomatiko ng Europa; 5) Kasaysayan ng Inglatera; 6) Kasaysayan ng Rusya; at, bandang huli, 7) Kasaysayan ng Unyon Sobyet. Mangyari pa, nagbibiro si Jojo na itinuro ko lamang daw ang Kasaysayang Europeo hanggang sa bago ang Rebolusyong Pranses. Baka ito lang ang parte na naisalin ng kanyang grupo.


Heto ang pagkaalala ni Dr. Kenneth Y. Ilio, isa sa tatlong mag-aaral na nag-ambag ng papel noon sa aking Kasaysayan: Diwa at Lawak (1974-75) [tingnan ang likurang pabalat ng libro ng LIKAS na pineprepasyuhan ni Jojo], hinggil sa panahong iyon nang bata pa si Sabel at katatapos pa lamang ng hayskul ni Jojo.
Ayon kay Dr. Ilio, ang ilang mga propesor sa U.P.


.... back in 1972-73-74 were offering courses conducted in Pilipino—the foremost was Asian Civilizations I with Dr. Zeus Salazar. There was [sic] also a Physics 11 class, many Speech I classes, as well as Philippine Institutions classes. [Science Education in the Philippines. Sa grupo: soc.culture. filipino sa Internet].

Ang ibig sabihin ng lahat ng ito, wala akong naging kaugnayan kay Pang. Marcos sa panahong iyon — sa katunayan, wala hanggang sa bandang katapusan ng 1974 nang nabuo ni Dr. Serafin Quiason ang grupong naatasan ng Malakanyang na suriin ang proyektong Filipino Heritage. Mga Australyano ang nakaisip nito bilang ensiklopedia-kasaysayan ng Pilipinas na tingi-tinging ipagbibili sa mga estudyante ng High School. Gusto noong "brasuhin" [kataga ng di-umano'y "strongman" mismo] ng mga Australyano si Pres. Marcos upang paaprubahan ang proyekto sa Departamento ng Edukasyon. Nagdududa si Marcos na isang ensiklopediang pangkasaysayan ng bansa ay ipagkatiwalang gawin sa pamumuno ng banyaga. Kinailangan niya ang isang grupo ng mga dalubhasang Pilipino na mag-aanalisa ng mga artikulong naisumite ng sari-saring tao, na karamihan ay dayuhan.

Hindi nakalusot ang mga Australyano. Pagkatapos ng gawaing ito, itinuon ang atensyon ng grupo sa pagbaka sa mga Pinoy na humalili sa mga Kastilang prayle. Mangyari pa, kahit na siguro si Jojo ay magugustuhan ang gawain. Praylokrasiya ang inatupag namin; ngunit naglaho rin ang panganib ng Simbahan ni Kardinal Sin. Naging mas importante para kay Marcos pagkatapos ang matagal na niyang pinapangarap na ipagawang maramihang-tomong Kasaysayan ng Pilipinas. Hindi niya nahimok si Agoncillo na gawin ito; siguro, tinanggihan ni Agoncillo ang trabaho dahil wala siya naman talagang gaanong nalalaman sa panahon bago ang 1872, laluna hinggil sa panahon bago ang 1521. Iyong ibang historyador ay maka-Simbahan, Heswita man o hindi. Tulad ni Jojo hanggang ngayon wala silang background sa mga natutuklasan noon ng arkeolohiya sa Kagayan at Palawan at sa iba pang bahagi ng Pilipinas.

Kaya naibaling ang aming trabaho sa paghanda ng isang balangkas ng Kasaysayan ng Pilipinas mula sa pinakasimulang geolohikal nito. Nang matapos ang balangkas, sinimulan na namin ang pagsusulat ng Tadhana. Marami ang tumutuligsa sa libro kahit hindi pa nababasa ito. Sa katunayan, hindi tapos ang obra. Hanggang 1815 lang. Umalis ako sa proyekto noong Disyembre1979; Enero 1980 ay nakabalik na ako sa U.P. Doon na pumasok sa proyekto ang ilang kakilala at kapanalig ideolohikal ni Jojo.   

Mula 1980 inatupag namin nina Jimmy Veneracion ang pagsusulat ng Kasaysayan at Kabihasnang Asyano, kaalinsabay ng pagtatanghal ng Kapistahang Asyano bawat semester. Biktima ng Martial Law, nawala na noon ang LIKAS nina Jojo. Isang sosyal na asosasyon na lamang ang pumalit at naglaho rin. Ito ang dahilan kung bakit noong 1987 hinimok ko sina Elsie Ramos at Myra Gallardo, alam mo ito Atoy, na buhayin muli ang LIKAS. Ang kanilang iniluklok bilang pangulo nito ay ang estudyante ko noon sa Historiograpiya na si Ferdie Llanes, na kabababa pa lamang sa pagiging taong-bundok (*pamumundok). Noong bandang Abril 1989, tagapangulo pa ako ng Departamento ng Kasaysayan, nabuo namin ni Dr. Jaime B. Veneracion (na nakapag-PhD na bilang advisee ko at apat na taon ko nang nailimbag ang Kasaysayan ng Bulakan sa Kolonya, Alemanya) ang ADHIKA. Mangyari pa, kasama rito sina Myra at Elsie at napasali na rin si Llanes bilang pangulo ng LIKAS. Mula noon, madali nang sundan ang daloy ng aking kasaysayan, bagamat tila kaila rin ito kay Jojo dahil mukhang nangibayong-dagat na siya patungo sa pinupuntahan ng lahat ng aktibistang "nagbabalik-loob" sa pangangalaga ng mga Kanluraning kumakalaban din di-umano sa Imperyalismo mula sa mga komportableng posisyon sa Unibersidad — i.e., liban sa Hapon at iba pang ligtas na lugar sa periphery, sa sentro mismo ng "Empire", ang Estados Unidos, na siyang kinakabaka raw ng mga Post-kolonyal-ista/isado-ng Postmodernista/Post-istrukturalista at iba't iba pang ganitong uri, tulad ni Benedict Anderson, "maître-á-penser" ni Jojo at kapwa niyang mga "apostol ng nasyon bilang guni-guning komunidad".

May isang bagay pang nakaligtaan ni Jojo; hindi siya masisisi dahil hindi naman siya biographer ko at iba ang pinagkakaabalahan niya sa Hapon. Ngunit mula 1971, bago pa man ako nakulong, nasangkot na ako sa pagpapatunay na isang panlilinlang ang Tasaday. Mahabang istorya ito; hindi ito maaaring gamitin bilang patunay na tagapagtaguyod ako ng rehimeng Marcos, bagamat sa panahong nagsusulat kami ng Tadhana at nakakausap paminsan-minsan si Pres. Marcos, hindi ko masasabing hindi siya makabayan o maka-Pilipino. Marapat din sigurong banggitin na bago pa man ang 1971 ay inilalathala na namin nina Jimmy Veneracion at Sammy Tan ang PINGKIAN, isang "aktibistang" pahayagan ng mga guro noon. Isa rin ako sa mga tagapagtatag ng SAGUPA, Samahan ng mga Guro sa Pamantasan, isa sa mga itinanong sa akin sa interogasyon ng ISAPF noong 1972.

May pangalawang bagay na hindi alam ni Jojo tungkol sa mga gawain ko habang nagsusulat ako ng Tadhana. At ito ay ang pagkabuo ko ng Pantayong Pananaw at Bakas, habang nakikipagtulungan kapwa kay Dr. Enriquez sa pagbubuo ng Sikolohiyang Pilipino at kay Dr. Covar sa pagdalumat ng Pilipinolohiya. Makapal ang dokumentasyon hinggil dito. At malalim ang pagkagagap mo nito, Atoy.

Para sa akin masalimuot ang mundo — at ang Kasaysayan din. Kapwa ay hindi maaaring ihanay sa dalawang kampo, tulad ng naisip ni San Agustin (at mga Katoliko) sa De Civitate Dei contra Paganos. Sa Manichaeistang tagisan ng Masama at Mabuti, saan mo man ako ihanay, ang talagang hindi matatawaran ay ang aking pagkatao bilang Pilipino at anak ng Bayan. Kamakailan, sa Singapore, nabanggit ko ang dalumat ng "comprador scholarship" ng ilang Pilipino na nagbebenta ng banyagang kapantasan sa Pilipinas [mangyari pa, sa wikang Ingles] at nagdadala o nagluluwas ng datos hinggil sa Pilipinas sa ibayong dagat bilang tagasaliksik o tagasunod [sa pananaw at wika, mangyari pa] ng mga dayuhan upang mapatunayan ang mga "ideya" ng mga ito hinggil sa Pilipinas [mas maganda at mas mura rin kung ikinakalat at ipinapablis dito sa "localityng" ito mismo, sa wikang di-umano’y “unibersal” ng Ingles]. Maipagmamalaki ko siguro na kailanman hindi ako naging bahagi ng ganyang negosyo. Mangyari pa, hindi ko ihahanay saan man ang mga negosyanteng ganito dahil hindi ko malalimang nalalaman ang kasaysayan ng bawat isa, ni matarok ang lalim ng kani-kanilang kaluluwa. 

Hayaan mo at payagang ilathala ang "Paunang Salita" ni Jojo. Bata pa siya at may panahon pa upang makita niya ang katotohanan kapwa hinggil sa kanyang masungit na dating guro at sa kanyang sarili mismo. Ang hinihiling ko lamang sa iyo, Atoy, ay huwag mong paikliin ang blurb na sinulat ko para sa likurang pabalat ng inyong libro ng Likas.

Maraming salamat.

Zeus A. Salazar

10 Enero 2008

Iwinasto 18 Abril 2008

Para sa karagdagang impormasyon at mas malalim na pag-unawa sa Bagong Kasaysayan/Bagong Historiograpiyang Pilipino at Pantayong Pananaw, tingnan ang http://bagongkasaysayan.multiply.com at http://zasalazar.multiply.com.




Binasa sa  huling araw ng ika-6 ng Pambansang  BAKAS Seminar-Worksyap sa St. Paul College, Makati, ika-25 ng Abril, 2008, apat na araw bago ang ika-74 na taong kaarawan ni Dr. Zeus A. Salazar (mga kuhang larawan ni G. Michael Charleston B. Chua)



KIDLAT NG LIWANAG
Ni Dr. Regulus "Ted" Tantoco


Tulad ng Grekong Diyos
Pangalan mo'y hinangong lubos
Kidlat ng Liwanag
Ang iyong dulot
Sa kamalayang
Lito sa pag-inog.

Pantayong Pananaw
Hinango sa dilim
Ang lisyang paggagap
Sa kasaysayang atin
Sa wakas luminaw
Nalirip din natin
Ang masuyong daloy
Ng Nakaraang sikil

Salamat sa liwanag
Amin nang banaag
Ang dakilang agos
Ng Bayang nagpuyos
Humanap ng laya
Makakamit ding lubos
Dakila ka Dr. Salazar
Paghanga't paggalang, marubdob at taos.


-4.25.08



Sulyapan ang mga kaugnay na larawan:

http://zasalazar.multiply.com/photos/album/10

Tingnan ang ilang komento ukol sa balita mula sa blog ni G. Ronnel Lim:  http://ronnel.blogspot.com/2004/10/book-launch-liktao-at-epiko-ang-takip.html


Sunday, October 10, 2004

Book launch
Liktao at Epiko: Ang Takip ng Tapayang Libingan ng Libmanan, Camarines Sur by Dr. Zeus Salazar will be launched at the Museo Conciliar del Seminario de Nueva Caceres in Naga City on October 15 at 2:00 P.M.

The archaelogical find (liktao) is a burial jar cover found in Libmanan, Camarines Sur which has since been donated to the Museo by collector and archaelogy enthusiast Ermelo M. Almeda. The find has been a subject of an earlier study by retired UP professor Dr. Ma. Lilia F. Realubit and Ermelo M. Almeda. UP professor Dr. Ma. Lilia F. Realubit says, “Liktao at Epiko provides archaelogical evidence for the Bicol epic of Ibalong and the kingdom of Handiong.”

Salazar provides a detailed analysis of the jar cover and links it to other Philippine and Asian cultural traditions. Writing in Filipino, Salazar provides evidence that Libmanan could well be the first socio-political center in the Bicol peninsula. “Ang Libmanan ay isa sa mga imporanteng sentro ng pagbubuo ng estado sa Pilipinas mula pa noong unang mga dantaon B.K.”

Dr. Zeus A. Salazar received his doctorate in ethnology from Sorbonne University and degree in AB History (summa cum laude) at UP. Salazar was among those anthropologists who revealed the “Tasaday Hoax” and conceptualized the “Pantayaong Pananaw and “Bagong Historiograpiyang Filipino”. Now retired from teaching, Salazar devotes his time to writing. He also just finished a two-volume book on Pres. Estrada. Salazar hails from Tiwi, Albay.

Dr. Realubit, chair of the book launch, says that a lecture by the author will follow the book launch.

Ronnel Lim

http://newsinfo.inquirer.net/inquirerheadlines/regions/view/20071213-106530/Ancient_burial_urn_retells_Bicol_epic

 

Ancient burial urn retells Bicol epic

By Juan Escandor Jr.
Inquirer
First Posted 00:07:00 12/13/2007

NAGA CITY – A pre-Hispanic burial urn at the Museo de Concilliar de Naga in Naga City speaks of Bicol’s Ibalon epic starring King Handiong, according to a study of a Filipino anthropologist.

Dr. Zeus Salazar believes that the urn’s cover design also reflects the period when the inhabitants of the archipelago were starting to relate with their Indo-Malaysian neighbors.

A summa cum laude graduate of history from the University of the Philippines with a doctorate in ethnology from the University of Paris, Salazar interpreted the design figures to be characters and creatures of the Ibalon epic.

His study was published as a book titled “Liktao at Epiko, Ang Takip ng Tapayang Libingan ng Libmanan, Camarines Sur.

The urn cover, with a 32-centimeter circumference, details enigmatic forms and figures around a pyramid-like center that convey lines from the ancient epic.

No living tradition

Salazar does not consider Handiong’s story a real ethno-epic, or a living tradition intertwined with people’s beliefs and religious practices, like the Darangen of the Maranaw, Ulahingan of the Manobo, and Olaging from Bukidnon.

It narrates the mystical origins of the first man and woman of Aslon and Ibalon (now the provinces of Camarines Norte, Camarines Sur, Albay, Sorsogon, Catanduanes and Masbate), and the exploits of the warrior-leader Handiong, one of the heroes of Ibalon.

Handiong, as the epic goes, fought a giant cyclops for 10 months, defeated the winged Tiburon and the fierce Sarimao, and won over the seductive serpent Oriol before starting a village.

The place prospered. Soon, the inhabitants invented farm implements.

King

According to curator Fabie Arejola, some historical buffs have speculated that the burial urn, unearthed in 1982 in Bigaho, Libmanan, might have contained the remains of Handiong himself.

In the epic, Handiong was the king of Libmanan who sent 1,000 warriors led by Bantong to kill the half-man, half-beast giant monster Rabot. Bantong slew Rabot while sleeping in a cave dwelling.

Handiong and his warriors came to Ibalon (Spanish colonizers once called Bicol the Tierra de Ybalon) to “clear” the place and start planting, but the king was challenged by a serpent called Uryol or Oriol who later became a close ally in building the region’s civilization.

Arejola said the urn had yet to be carbon-dated to determine its age, but she said several experts had already examined and concluded its authenticity and prehistory, while others were skeptical.

Salazar traced the publisher of the “fragmented” five-part Ibalon epic to Spanish friar Jose Castaño in the 1800s.

He ascertained that another friar, Bernardino Melendreras, wrote it in Spanish, using a European literary form in one part. But he finds the remaining parts “more authentic.”

The anthropologist compared and correlated the designs and contents of the burial urn with those of similar artifacts found elsewhere in the Philippines to arrive at the period of 5000 BC to 10 AD when the burial urn cover was crafted.

Salazar traced its source from the villages of Poro or Bigaho in Libmanan, which the driver of artifact collector Dr. Ermelo Almeda said they frequented to buy artifacts in the 1980s. Almeda died in 1998 and left no catalogue of his large collection, ranging from fossilized dinosaur eggs and Stone Age instruments to Chinese porcelain wares.

Poro and Bigaho were mentioned by German-Russian ethnologist Fedor Jagor in 1851 archeological finds, such as human remains, deer horns, plates and pots, during a road construction, Salazar said.

Doubts

National Museum officials consulted on the burial urn cover, however, doubted the authenticity of the piece. It was bought from an artifacts digger and not discovered through scientific methods of archeology, they said.

Dr. Jesus J. Peralta, a retired anthropologist and archeologist of the National Museum, wrote that “the burial urn with minaret-like cover with incised designs was bought from a vendor, so that it cannot be ascertained where it came from, which was more likely from Mindanao.”

But Salazar said the absence of a scientific archeological process could be satisfied with “topologically comparing and correlating a piece with pieces discovered in situ.” He cited the museum’s burial urn with a conical cover which was excavated in Calatagan, Batangas, as one example of one authentic piece not obtained in situ.

The National Museum even declared the Calatagan urn a national treasure and the “first artifact … to contain evidence of ancient Philippine writing,” he said.

Finding meaning

Trying to interpret the figures and the tableau on the cover of the Libmanan urn, Salazar followed the three triangular divisions joined by a central pyramid-like figure. Each division contains figures that he believed were characters of the Ibalon epic or depictions of people’s life in pre-Hispanic Bicol.

Salazar named the groupings “Ang Tatsulok ng Bungo (Triangle of the Skull),” “Ang Tatsulok ng Araw (Triangle of the Sun),” and “Ang Tatsulok ng Bibig (Triangle of the Mouth),” based on the differentiating figure in each of the three sides of the tower-like structure. He considered them episodes of the epic.

“Ang Tatsulok ng Bungo” has a miniature head-like figure that Salazar sees as a skull. He explained that it lacked features to represent a human head, like hair, discernible face, teeth, ears, while its discernible eyes were mere points.

A container before the skull with two elongated figures tries to depict a ritual offering to the ancestors practiced by pre-Hispanic Filipinos, he said.

Representations

“Ang Tatsulok ng Araw” has carabao and sun representations, with at least 21 discernible rays drawn on one side of the central tower-like figure and four “points” on the surface on the right side of the animal.

Salazar inventoried the figures as indicating what were lost. He explained that the scene reflected the prehistoric time because, he said, the carabao had no nose ring and did not pull a plow. The Spanish colonizers introduced the plow, he said.

He considers the “Ang Tatsulok ng Bibig” the most complete composition. He identified a crawling human figure holding in the right hand a crocodile; another human figure that seemed to be kneeling, head toward the mouth-like opening; two deer-like figures and another animal-like figure.

Salazar interpreted those to refer to an episode in the epic in which Handiong consulted the serpent. The mouth-like opening, he said, was actually a cave entrance, the protruded “tongue” a serpent, and the kneeling figure, Handiong.


AN BAGONG “BICOL EPIC”

SI Ethnologist Dr. Zeus Salazar (too) pigpresentar an saiyang libro “Liktao at Epiko” sa miembros kan media durante sa ginibong paglansar kan Lunes sa Holy Rosary Minor Seminary. Si Salazar, reconisido sa ibang nacion bilang ethnologist gikan sa Tiwi, Albay, nagbuyagyag sa saiyang libro kan tunay na estoria kan bantogan na Bicolanong Epiko Ibalon an nasa Camarines Sur base sa saiyang pag-research kan “burial jar” na nakoa sa Libmanan, Camarines Sur kan enot na mga taon kan 700 A.D. Nasa retrato (wala-too) si Dr. Lilia Realubit asin HRMS Rector Fr. Peter Beriña.



http://michaelxiaochua.multiply.com/journal/item/146

Iba pang mga isinalin ni ZAS:
Impossible Dream--http://bagongkasaysayan.multiply.com/journal/item/13
Desiderata--http://bagongkasaysayan.multiply.com/journal/item/14

SONETO XLV

Pablo Neruda

 

Huwag kang magpapakalayo, kahit isang araw, dahil--
dahil-- di ko alam kung paano sasabihin: matagal ang isang araw
at maghihintay ako sa 'yo -- katulad ng isang walang taong istasyon ng tren
habang sa ibang lugar nakaparada ang mga tren -- at matutulog
Huwag mo akong iiwan, kahit isang oras, dahil
kung gayon ay magkakasama-sama ang maliliit na patak ng dalamhati;
ang usok na paikut-ikot na naghahanap ng tahanan ay mapapadako
sa aking loobin at sasakal sa naliligaw kong puso.
Oo, silweta mo sana'y huwag malulusaw kailanman sa dalampasigan;
huwag sanang papagaypay kailanman ang mga

pilikmata mo sa kawalan ng kalayuan.
Huwag mo akong iiwan nang kahit isang saglit, pinakamamahal,
dahil sa sandaling iyon talaga kang mapapalayo
kaya natataranta akong maglalagalag sa buong daigdig at magtatanong,
Babalik ka pa ba? Naghihingalo mo ba akong iiwanan dito?


 

Salin ni Prop. Dr. Zeus A. Salazar para kay Bb. Ivana Adrienne Noelle Doria Guevara, ika-16 ng Marso 2008, “para magbalik-loob sa wika ng Bayan.”  Liban kay Ivana, iniaalay G. Michael Charleston Briones Chua ang sonetong ito sa isa pa niyang pag-ibig—ang Unibersidad ng Pilipinas.



Sulyapan sa:  http://bagongkasaysayan.multiply.com/journal/item/48

Inaanyayahan ang lahat na dumalo sa ika-6 na pambansang seminar-worksyap ng BAKAS, sa pakikipagtulungan ng St. Paul College Makati, na gaganapin sa ika-23 hanggang 25 ng Abril 2008, sa SPCM Gym, Makati.

Kitakits!



http://bagongkasaysayan.multiply. com/journal/ item/45

BAHAY SALIKSIKAN NG KASAYSAYAN -- BAGONG KASAYSAYAN (BAKAS), Inc.
PO Box 366, UP Campus, Diliman, Lunsod Quezon
Unit 2 No. 35A Escaler St., Loyola Heights, Lunsod Quezon
Telefax:  927-2396
Email: carmen_penalosa@ yahoo.com

Press Release, 28 February 2008

IBINABALITA NG BAHAY-DAGITAB NG BAGONG KASAYSAYAN SA BUONG AKADEMYA ANG MAGANDANG BALITA NG SIYENTIPIKONG PAGKAKASALIN NG ISA SA PINAKAMATANDA, AT PINAKAMISTERYOSONG SULATIN SA KASAYSAYAN NG PILIPINAS, ANG INSKRIPSYON NG BANGANG KALATAGAN, NI DR. RAMON GUILLERMO.  ANG BUONG PAPEL, ANG NASALING SULATIN AT ANG KANYANG SALIN SA FILIPINO AY MAAARING MAKUHA (download) SA LINK NA NASA IBABA.  ANG MGA KOMENTO AY LUBOS NA TINATANGGAP SA DAKONG ITO.

(Bagong Kasaysayan Website announces to the whole academic community this great news of the scientific deciphering of one of the oldest, most mysterious script in Philippine history, the Calatagan Pottery Inscription, by Dr. Ramon Guillermo.  The full paper, the deciphered script and his translation in Filipino can be downloaded below.  Comments are most welcome in this page.)


BASAHIN ANG PAPEL NA MAKUKUHA SA LINK NA ITO:  http://bagongkasaysayan.multiply. com/journal/ item/45




© 2008 Multiply, Inc.    About · Blog · Terms · Privacy · Corp Info · Contact Us · Help

Modified from Mediterranean by John Whittet.
Originally on the CSS Zen Garden.
Used and Modified with permission from the author.