Sayt ni A.N.B. ZAS

HomeDr. ZEUS A. SALAZARJan 17, 2008
AMA NG PANTAYONG PANANAW: Bayan sa Buhay ni Prop. Dr. Zeus A. Salazar (Maikling biograpiya ni Zeus A. Salazar): http://bagongkasaysayan.multiply.com/photos/album/2

DR. ZEUS A. SALAZAR: Ilang Mga Aklat:
http://bagongkasaysayan.multiply.com/photos/album/1

Mula sa WikiPilipinas:

(http://en.wikipilipinas.org/index.php?title=Zeus_Salazar)


Photo AlbumMga Larawan

ZAS at UP LIKAS: Dalawang Magkatambal sa Kasaysayan, Ilang Larawan (2004-2007)
16 Photos

Panayam at Pagbabalik sa Kabikulan
29 Photos, 2 comments

PAG-IRAL: Si ZAS sa Sining
11 Photos

PAG-IRAL: Iba't-Ibang Mukha ni ZAS
9 Photos, 1 comment

SI ZEUS NG ARKEOLOHIYA AT ANTROPOLOHIYA: Mga Banga
13 Photos, 2 comments

PORTRAITS: Zeus A. Salazar, Pilipino
3 Photos, 1 comment

   View All




MessageSalamat sa Pagbisita!
   
jamineislove wrote on Jun 25
no comment ulit:D yehey!:D hahahhaha:))
zasalazar wrote on Jun 23, edited on Jun 23
mahal na magna kultura,
mangyari pa, handa po kami sa bakas na makipagtulungan sa inyo. gayumpaman, matatag po ang aming paninindigan sa wika at kalinangang Pilipino, para sa bayan at sa pagbubuo ng bansa. siguro po, napuna na ninyo ito sa pagpasok pa lamang ng aking websayt. mangyari pong bisitahin din ninyo ang bagongkasaysayan.multiply.com at talastasang bakas at pati na pilipinolohiya.multiply.com at gayundin ang websayt ng mga webmaster na sina xiao (michael charleston chua) at shawie (sharon maminta). importante po sa amin ang wikang Filipino at ang paglilinang nito bilang wika ng pambansang kabihasnan. iniiwasan po naming bigyang importansya ang Ingles at ang pakikipag-ugnayan sa pamamagitan ng wikang ito. kung mayroon man pong pagbabanyuhay ng pilipino at ng bayan (at mga lugar dito) na dapat isagawa, nais namin pong isagawa ito sa ating sariling wika at sa pamamagitan ng mga kategoryang nakapaloob dito at sa iba pang mga wikang pilipino. para sa amin po pundamental ito sa pagtatakda ng kakanyahang pangkalinangan at pambasa ng kapilipinuhan. hindi po kami nagugulat ni nagpapadala sa mga wikang banyaga, laluna mula sa Kanluran. marami pong salamat. zas
zasalazar wrote on Jun 23
mahal na rolly,
maraming salamat sa iyong pagbati. talagang lagi kang maasahan bilang tagapagpataba ng puso, tagahilot ng kaluluwa. zas
rmaningas wrote on Jun 23
Gaynpaman binabati ko ang aming bathala ng Maligayang Araw ng mga Tatay... Naging guro ko si Dr. ZAS nung ako ay nasa UP Diliman pa lamang. Nasaksihan ng aming amang Historyador ang aking buhay sa kolehiyo hanngang sa ako ay nagturo sa UP Los Banos. Tunay na kahanga-hanga at pinaka-mahusay na guro, ama, at kaibigan...Kahit wala na kami sa UP ay matindi pa rin ang aming komunikasyon o pagtatalamitam..Ang Pantayong Pananaw Bilang Diskursong Pangkabihasnan ay tunay na mayabong at malalim na artikulo kasing lalim din niyang mag-isip...Maraming salamat Aming Historyador na Tatay..Isasapuso at iuukit sa aming isipan ang mga kaalaman na inyong ibinahagi sa amin..Sa muli nating pagkikita, marami uli me na kwento upang kayo'y lumigaya. Mahal na mahal namin kayo. Wala ng hihigit pa sa dunong at kabaitan na inyong ipinamalas.
magnakultura wrote on Jun 20, edited on Jun 28
Salamat sa pakiki-isa sa Magna Kultura Foundation, isang pangkat na nagbibigay ng programa sa masang Pilipino gamit ang sining at kalinangan. Sana'y balang araw magkasama-sama tayo sa isang programang linkod-bayan.

Ricardo Miguel Aguado, Executive Director - Magna Kultura Foundation

jamineislove wrote on Jun 20
ahahah. escort ko? nye. haha. so close to feeling alive. napakatagalog naman:))
milhubbles wrote on Jun 19
maraming salamat sa pagbati ant pagpansin.
zasalazar wrote on Jun 18
mahal na lakbay banwa, maraming salamat. talaga naman unti-unti iyang uunlad. sa loob ng isang taon makikita kung gaano kalaki iyan naging. pagbati sa iyong pasiya. at maraming salamat sa pagbati. zas
lakbaybanwa wrote on Jun 18
sir, late na pero happy father's day! at ang regalo ko sa inyo ay ang lakbay bayan at lakbay banwa websites. unti-unti ko pong papaunlarin, huwag kayong mag-alala. :)
zasalazar wrote on Jun 17
mahal na jazz age,
tama ka. laluna tungkol sa salin ng "translation" (traduction, traduccion). pag-usapan pa natin pagdalaw mo. sabi ni xiao, sa susunod na linggo raw. ngunit tila nariyan siya bukas. kung makukumbinsi mo siyang dalhin ka rito bukas, punta kayo. zas
askjevs wrote on Jun 17
Natawa po ako sa tanong ninyo. (Tipong, "Ay, oo nga 'no!")

Sa totoo lang, iyon ang isa sa mga malaking problema sa pagsasalin, yung pagkakaiba (tama bang salin iyon ng discrepancy?) sa kultura ng dalawang bansa at wika--yung sinasalin at pinagsasalinan. Pero sa tingin ko, may mga paraan naman para mapunan yung magiging kakulangan sa pagsasalin. Naniniwala ako sa pagtingin na translator as negotiator, na ibang-iba dun sa dating Traduttore, traditore. :)

p.s. Napakagaling na salin ang katumbas ng translation sa Filipino. Kuhang-kuha yung prosesong nagaganap sa pagsasalin, na hindi maiiwasang may nawawala dahil sa "paglilipat ng lalagyan."
zasalazar wrote on Jun 16
mahal na askjevs,
siyempre, welkam ka. may mas mahabang sagot ako sa websayt mo. zas
askjevs wrote on Jun 16
Thesis na po ako. At kasalukuyang nalilito sa kung ano ang puwedeng paksain. Sana po ay magkausap tayo. :) Sasama na lang po ako kapag bumisita si Xiao.
jamineislove wrote on Jun 15
wla ako masabi:D :)
minapearl wrote on Jun 15
Maraming salamat po Dr. Salazar =)
nakatulong po nang mabuti ang inyong kasagutan.


Minapearl
zasalazar wrote on Jun 13
Mahal na Mina Pearl,
Salamat sa muling pagdalaw. Ang ASSERTIVE sa Ingles ay kinapapalooban ng tatlong kahulugan kung isasalin sa Tagalog/P/Filipino, depende sa gamit. Heto ang maaaring salin depende sa konteksto ng paggamit: MAPANGGIIT, MAPANGHAMON, DI-N(M)AGPAPATALO o dili kaya MAHILIG MAKIPAGTALO o, gayundin, NANININDIGAN SA PAKIKIPAG-USAP. Sana sumapat na ang mga katagang nabanggit upang makatulong sa inyong pagsasalin. Hanggang sa muli, zas
minapearl wrote on Jun 12
Hi Sir Zeus, =) salamat po sa papuri. Kay Ganda talaga ng Buhay pag kasama ang Panginoon =)


Sir, may katanungan lang po ako tungkol sa pagsasalin ng isang salitang Ingles sa tagalog/ Filipino...

Ang salita po ay ASSERTIVE.
hindi po namin ito maisalin nang TAMA sa tagalog =(
salamat po sa inyong tulong =)

minapearl
iltabenla wrote on Jun 8
CALL CENTER
Jun Panganiban Austria

Malambing na tinig, dila ng dayuhan
Ang bagong negosyong kinagigiliwan
Kaya’t pamantayan nitong karunungan
Matatas na Ingles ang siyang sukatan

At ang hulmahan ng ating edukasyon
Ay dayong-kapital ang siyang tinutugon
Ang lakas at dunong nitong henerasyon
Pantapal sa lubak ng globalisasyon!

raulmik wrote on Jun 5
Salamat po!
zasalazar wrote on Jun 5
Mahal na Raul, walang anuman. maligayang kaarawan. tama ka tungkol sa pagkakaugnay ng wika at ekonomiya. isa sigurong di mo nabanggit ay yung wika ng paglilisensya ng mga negosyo, ng mga karatola (na kaugnay ng wika ng mga pangalan ng kalsada, etc.). zas
© 2008 Multiply, Inc.    About · Blog · Terms · Privacy · Corp Info · Contact Us · Help

Modified from Mediterranean by John Whittet.
Originally on the CSS Zen Garden.
Used and Modified with permission from the author.